04 Mai 2011

Pagtataka

(para kay E)

nang maglandas
ang ating daan
minsan
isang tag-araw
hubad ako
mula ulo
hanggang
talampakan

sa ating
mga pag-uusap
payapa mong
sinisid
ang mga karanasan
kong sintingkad
ng mga kurales
sa karagatan

malaya mong
ginalugad
ang kasuluk-
sulukan
ng aking
kabuuan

at
natuklasan mong
wala akong
itinayong
kutang-tanggulan
sa ating pagitan

nagtaka
lamang ako
isang taglagas
nang maglandas
muli
ang sala-
salabat nating daan

hubad pa rin ako
mula ulo
hanggang
talampakan
samantalang
ika'y
punung-puno
ng pananggalang.

Keine Kommentare: