03 Mai 2011

Paglapag sa Manado

Hindi ito ang lupang aking pinagmulan
Gayong bulwagan ito ng mga larawang
Pamilyar na ikapapanatag ng kalooban:
Nakangiti ang araw sa asul na himpapawid,
Marahang sumisipol ang hangin sa paligid,
Mga puno'y nangagsuot ng berdeng damit,
Samantalang ang mga gumamela't santan
Ay hitik sa pamumulaklak sa tabi ng daan.
At bawat taong nakakasalubong ko
Ay tila mga kayumangging kadugo
Na bagama't mahiyain ay lagi't-laging
May tango at maamong ngiting nakahanda
Sa malawak na hapag ng pakikipagkapwa.

Keine Kommentare: