03 Mai 2011

Facebook Account

Profile Picture: Ipapaskil
Mukhang nagkukubli ng (p)angil

Status: Iniuulat
Kahungkagan ng diwa't ulirat

Wall: Ipinapaalam
Bawat hakbang ng pagmamanman

Albums: Inilalahad
Katauhang nanghahagilap ng galak

Friends: Isinasalansan
Mga ngalang walang namagitan

Links: Iniuugnay
Sariling buhay sa patay

Message: Umiinog ang buhay sa integrasyon
Hindi sa mekanisasyon!


tala: unang nalathala sa Dagmay (Literary Journal
of the Davao Writers Guild), Abril 17, 2011

Keine Kommentare: